|
Kamusta sa mga Miyembro ng Komunidad:
Ibinabahagi ng Departamento ang dokumentong ito upang mangalap ng inyong mga mungkahi tungkol sa kung ano ang INYO nang ginagawa upang ipatupad ang alinman sa 167 na rekomendasyon ng Master Plan for Developmental Services (MPDS).
Para sa bawat rekomendasyon, may iba't ibang seksyon upang mangalap ng mga update, batay sa kung sino kayo o kung sino ang inyong kinakatawan. [Ang mga bahaging kulay-abo ay hindi dapat baguhin, dahil ito ang opisyal na mga salita ng Master Plan.]
Rerepasuhin ng Komite ng Master Plan ang mga update ng lahat sa dokumentong ito sa kanilang pulong sa Disyembre. Ang mga update sa dokumentong ito ay magsisilbing batayan din para sa taunang ulat sa Lehislatura, na nakatakdang isumite tuwing Marso hanggang 2036.
Pinasasalamatan namin ang inyong patuloy na dedikasyon sa pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga taga-California na may intelektwal at pangkaunlarang kapansanan. Marami pang mabubuting gawain ang kailangang gawin, at pinahahalagahan namin ang inyong pakikipagtulungan!
-Pete
Direktor
- 한글 (Koreano)
- 简体中文 (Simpleng Tsino)
- 繁體中文 (Tradisyonal na Tsino)
- Tagalog
- Tiếng Việt (Biyetnamita)
|